-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang singer na si Gigi de Lana dahil sa pagpanaw ng kaniyang ina na si Imelda.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan kasama ang ina.

Nagpasalamat ito sa mga nagparating ng dasal bago pumanaw ang ina nito dakong pasado alas-9 ng gabi nitong Mayo 14, 2024.

Noong Mayo 8 ng kumpirmahin nito na nasa intensive care unit (ICU) ang ina habang nasa US ito dahil may show siya.

Ibinunyag nito noong Pebrero ng nakaraang taon na mayroong stage 4 cancer ang ina.