-- Advertisements --

Ibinahagi ng ina ng singer na si Beyonce na si Tina Knowles na ito ay mayroong stage 1 breast cancer.

Sinabi nito na noong Hulyo ng ma-diagnosed siya ng stage 1 breast cancer sa kaniyang kaliwang dibdib.

Isinawalat nito ang nasabing sakit sa ilalabas na libro ng anak na “Matriach”.

Payo nito sa publiko na ugaliing sundin ang payo ng mga doctor at huwag laging kakaligtaanang mammogram appointments.