-- Advertisements --
Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang naramdaman ni Emelita Diaz ang ina ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.
Itinuturing niya na isang kasagutan sa kaniyang dasal ang naging tagumpay ng anak sa Tokyo Olympics.
Gaya noong ito ay sumabak sa 2016 Rio Olympics at nakakuha ng silver medal ay walang humpay din itong nagdasal.
Mahigit isang taon aniya na hindi nakikita ang anak dahil sa abala nito sa pagsasanay bilang paghahanda sa Olympics.
Araw-araw aniya nitong nag-iiwan ng mensahe sa pamamagitan ng cellphone.
Maguguntiang nakuha ni Diaz ang gintong medalya kung saan tinalo nito ang world record holder ng China na si Liao Qiuyun habang pumangatlo naman si Zulfiya Chinshantlo ng Kazakhstan para sa bronze medal.