Ibinahagi ni Raquel Pempengco sa social media nito ang mga cryptic remarks tungkol sa anak nitong si Jake Zyrus na nakaranas umano ng sexual abuse sa kaniyang tiyuhin.
Sa Facebook post ni Raquel sinabi nitong ‘fake news’ ang mga naglabasang kwento umano ng anak nito hinggil sa pagpapalaki niya dito.
‘Meron na namang fake news. Galing daw isang libro. Mga bashers hindi updated yang libro na yan… Abangan nyo ako ang mag uupdate ng libro na yan. Sari-sari na lang issue nyo. Meron kilala daw ako? Mga gumagawa ng kwento ang iba. Baka magulat kayo kapag ako ang nagkwento. Kaya tumigil na kayo sa kaka fake news na yan. Mga salot ng lipunan,’ pahayag nito sa kaniyang caption.
Walang binanggit na pangalan kung sino ang tinutukoy ni Pempengco, ngunit ayon sa kaniya ang pagiging “evil queen” niya ang nagbigay daan upang makarating ang taong iyon sa kinalalagyan niya ngayon.
‘Anjan ka sa kinalalagyan mo dahil sa evil queen na ‘to. Dahil sa masamang ina na ‘to. Kahit ilang libro pa ilabas, hindi na maibabalik ang ikaw na mismo ang sumira. Sige pa, magalit pa kayo hanggang sa atakihin (kayo),’ dagdag pa ni Raquel.
Sa isa pang post ni Pempengco sinabi nito na mayroon siyang “peace of mind” dahil hindi na siya nakikisalamuha sa ”mga walang kwentang tao na walang utang na loob.”
‘Peace of mind pa rin ang pipiliin ko kesa patulan ko ang mga walang kwentang tao at mga walang utang na loob. Sila na magdadala ng lahat,’ ani Raquel.
‘The truth still prevails. But no matter what, my blood (is) still flowing in your veins and you can only remove that when (you’re) already dead,’ dagdag pa nito.
Maalalang ang post ni Pempengco ay kasunod ng muling pag-babalik sa social media ni Jake Zyrus mula noong 2018, na kilala dati bilang si Charice Pempengco na sumikat sa internet bago siya nag-transition at naging lalaki.
Kung saan ibinahagi ni Zyrus na siya ay inabuso ng kaniyang tiyuhin noong siya ay anim na taong gulang palamang habang nakatira sa bahay ng kanyang mga lolo at lola.
‘I could hear my relatives cooking and talking among themselves in the kitchen while my uncle was abusing me. During those times I kept wishing someone would see… He always punctuated these attacks with the same threat: ‘If you tell anyone, I’ll kill you.’ It was something he was actually capable of. Like I said, violence runs in our blood,’ pagbabahagi ni Jake Zyrus.
Hanggang sa ngayon ay ‘wala pang inilabas na pahayag ang singer tungkol sa mga tirada ng kaniyang ina.