-- Advertisements --

Pumanaw na ang ina ni Manila Mayor Fransciso “Isko” Moreno na si Rosario Domagaso sa edad 74.

Nangyari ang pagpanaw ng ina ng alkalde isang araw matapos ang kaniyang 46th birthday nitong Sabado.

Hindi naman nagbigay ang anumang detalye ang kampo ng alkalde sa sanhi ng pagpanaw ng ina.

Tubong Allen, Northern Samar ang ina ng alkalde bago ito nanirahan sa Tondo, Manila kasama ang ama ng alkalde na si Joaquin Domagoso na isang kargador sa Manila North Harbor.