DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kabilang sa mga senior citizens na nabakunahan sa lungsod ay ang kanyang ina na si Elizabeth Zimmerman.
Ang 73-anyos at dating asawa ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang nakatanggap ng first-dose ng CoronaVac na gawa ng Chinese biopharmaceutical firm na Sinovac.
Isinagawa ang unang pagbakuna sa ina ng mayor sa Matina Aplaya Elementary School nitong lungsod.
Napag-alaman na sa nakaraan ng linggo sana babakunahan ang ina ni Mayor Inday ngunit hindi ito natuloy dahil sa bagyong Crising.
Nawala umano ang pag-aalala ng ina ng alkalde matapos maturukan ng first shot ng vaccine at wala umano itong ibang naramdaman.
Dahil dito, nananawagan ang mayor sa mga senior citizens na hindi pa nagpalista na magpabakuna na at pumunta sa vaccination program ng pamahalaan.