-- Advertisements --

Nagsampa ng kasong cyber libel ang ina ni Sarah Lahbathi na si Esther laban sa entertainment host na si Cristy Fermin.

Kasamang sinampahan ng kaso ang co-host ni Fermin na sina Wendell Alvarez at Romel Chika.

May kaugnayan umano sa pag-sensationalized ng hiwalayan ng actress sa asawa nitong si Richard Gutierrez.

Sinabi naman ni Fermin na nakaharap niya ang ina ng actress sa Quezon prosecutors office at naging maganda naman ang usapan nila.

Ang mga abogado na lamang nila ang bahala sa kasong inihain sa kaniya.