-- Advertisements --
Miss Vima Santos (photo from @momblogger)

Pumanaw na ang ina ni Vilma Santos-Recto na si Milagros Santos sa edad 93.

Sumakabilang buhay ito sa isang pagamutan nitong nakalipas na Lunes ng umaga, Abril 1.

Wala pang buong impormasyon na inilabas ang kampo ng kinatawan ng lalawigan ng Batangas na tinagurian ding “Star For All Season” actress.

Ayon sa ilang malapit na kaibigan ng pamilya, hindi na rin nakikita sa publiko ang butihing ina ni Ms. V matapos na dumanas ng Alzheimer’s disease.

Nag-post naman ng pagdadalamhati ang anak ni Vilma na si Lucky sa kaniyang Instagram at may caption na RIP Mama Ganda.