-- Advertisements --

Pumanaw na ang ina ng beteranang singer Whitney Houston na si Cissy Houston sa edad na 91.

Kinumpirma ng kaniyang manugang na babae na si Pat Houston ang pagpanaw ng 91-anyos na si Cissy sa loob ng bahay nila sa New Jersey.

Nagsimula ang pagkanta ni Cissy kasama kasama ang mga kapatid noong 1938.

Naging backup singer ito ng ilang sikat na singer gaya nina Elvis Presley, Aretha Franklin, Chaka Khan, Dionne Warwick, Jimi Hendrix at maraming iba pa.

Bilang solo artist ay nagwagi ito ng dalawang Grammy Awards para sa best traditional soul gospel album sa kaniyang album na “Face to Face” noong 1997 at “He Leadeth Me” noong 1998.