-- Advertisements --

ILOILO- Patay ang isang ina at sugatan naman ang dalawa nitong anak matapos tinamaan ng kidlat sa Barangay Jaguiquican, Laua-an, Antique.

Ang ina ay si Lourdeliza Vergara Trogo, 34, at ang mga anak naman nito ay sina Princess Jauod, isang taong gulang at Rutchel Jauod, 4.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PLt. Ariel Artillero, hepe ng Laua-an Municipal Police Station, sinabi nito na nagluluto ng hapunan ang ina ng tinamaan ng kidlat ang kanilang bahay.

Sugat sa ulo, dibdib at hita ang tinamo ng ina na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay at sugat naman sa kilikili at tiyan ang tinamo ng magkapatid.