NAGA CITY – Dead on arrival ang isang ina habang suwerteng nakaligtas ang mag-aama nito matapos na masangkot sa aksidente sa Calauag, Quezon.
Kinilala ang namatay na si Ma. Arvie Joy Liwanag Robis.
Sugatan naman ang live-in partner nito na si Remuel Paglinawan Noriesta kasama ang kanilang mga anak na dalawang taong gulang at limang buwang sanggol.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, binabaybay umano ng sinaksayang tricycle na minamaneho ni Noriesta habang lulan ang kanyag mag-iina ang kahabaan ng Barangay Binutas nang mangyari ang aksidente.
Napag-alaman na binabaybay din ng Mitsubishi L300 Exceed na minamaneho ng isang Arnol Lazarte ang nasabing lugar kasunod ang isang motorsiklo na minamaneho ng nagngangalang Richard Abad Olarte nang mahagip ito ng tricycle na minamaneho ni Noriesta.
Ayon sa imbestigasyon, galing sa kabilang linya ng kalsada ang tricycle nang bigla itong lumihis daan kaya nahagip nito ang L300 at bumangga pa sa motorsiklo.
Nagresulta ang banggaan sa pagkatumba ng tricycle at pagkasugat ng mga sakay nito nito.
Kaagad naman umanong nadala sa pagamutan ang mga sakay ng tricycle ngunit idineklara ng dead on arrival si Robis habang nananatili pa sa pagamutan ang mag-aama.