-- Advertisements --

Habang-buhay na pagkakakulong ang kinahaharap ng isang ina sa Ohio matapos niyang patayin ang anim na taong gulang na anak sa isang hotel. 

Umaming guilty si Daneicha Bringht, 31 taong gulang, sa pagpatay sa kanyang anak tatlong taon na ang nakararaan. Ang pag-amin ni Bringht ay parte ng plea deal kung saan hindi na siya masesentensiyahan ng death penalty subalit kailangan naman niyang magsilbi ng 35 years bago maging kwalipikado sa parole.

May kasaysayan sa Schizophrenia ang ina, isang malalang mental illness kung saan nawawala sa reyalidad ang taong nakararanas nito at nagkakaroon ng delusyon at halusinasyon sa pagtingin at pandinig. 

Ayon sa otoridad, dinala ng ina ang kanyang anak sa isang hotel para maligo sa indoor pool. Kalaunan ay binaril niya ito ng labing-isang beses. Makalipas ang trenta minutos ay tumawag ang ina sa pulis at sinabing isang lalaki ang pumasok sa hotel at pinagbabaril sila. Ngunit kalaunan ay umamin si Bringht na gawa-gawa lamang ang kwento