Aminado si Ina Raymundo na naging mapili na talaga siya sa tuwing aalukin ng proyekto sa show business.
Ayon sa 45-year-old sexy star, napagtanto niya na kailangan niyang isipin ang kanyang limang anak kahit pa open-minded naman ang mga ito sa uri ng kanyang trabaho.
Bilang Canadian ang kanyang napang-asawa, lumaki ang mga ito na “very mature, very liberated” pero “very educated” din naman.
Masaya aniya siya na kaya niya palang limitahan ang kanyang sarili, taliwas noong single pa siya na bigay todo sa lahat ng sexy roles sa harap ng camera.
“Pero yung mga mas bata, yung pang-apat ko pag may nakikita siya akong ka-kiss na guy sa screen na-u-upset siya. But now she understands na role lang yun. Hindi totoo yun,” paliwanag ni Raymundo.
Dagdag nito, “Kasi naman nung ‘90s let’s admit usong uso talaga ang mga super sexy movies, lahat na. Talagang may exploitation na nagaganap, yung ganung level. But this time no, it’s just the right amount. And I’m so happy na sakto lang, na hindi ka na-pressure na gawin mo yung beyond ng makakaya mo and for that’s very good. At this point naman talaga, kaya ko na rin talagang mag-no. Kumbaga meron na akong wisdom to say no I can’t do that. So yun naman yung difference ngayon. And hindi naman na uso ngayon yung over the top na sexy thank goodness.”
Sa ngayon ay “happily married” siya sa loob ng halos 20 years sa kabila nang hindi pagiging “romantic” ng mister.
“He’s still a very good husband pero yung pagiging romantic it’s so sad nawawala talaga yun after so many years. Kaya kailangan talaga extra effort from the guy. But it’s understandable because he’s busy. He’s busy with our kids, he’s busy with our only son playing baseball so talagang i-a-accept mo na lang kasi ang dami niyong anak. Mahirap din yung maging romantic pa at this point. Siguro pag lahat sila nasa college na, pag nesting stage, dun ulit mababalik yung romance,” wika nito.
Si Ina o Rina Marie sa tunay na buhay, ay sumikat noong 1990s matapos bansagan bilang “Sabado Nights” girl kasunod ng kanyang kinatampukang beer commercial.