-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Puspusan na ang ginagawang paghahanda para sa nalalapit na Kapistahan ng Señor Santo Niño sa Brgy. Bula sa General Santos City.

Ito kasi ang itinuturing na pinakamalaking selebrasyon na inaabangan hindi lang ng mga Cebuano kundi lahat ng mga deboto ng Señor Santo Niño.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, ayon kay Tata Granfon, Fiesta Directorate ng Sinulog Festival nitong taon, bukas na ito para sa lahat matapos ang mahigit dalawang taon na naging limitado ang pagdiriwang ng Sinulog dahil sa Covid 19 pandemic.

Nitong umaga ay nagsagawa ng bandorial parade bilang hudyat ng pagsisimula ng mga aktibidad.

Nilibot sa buong Barangay Bula ang mga imahen ni Señor Santo Niño
kung saan nitong araw ay simula ng mga aktibidad.

Ayon kay Granfon, excited na ang mga devotee ni Santo Niño na sumisimbolo sa ‘Batang Hesus’ sa mga aktbidad tulad ng fluvial parade, inland procession at traditional Sinulog dance.

Aniya, mamayang hapon magsisimula na ang novena hanggang Enero 14 habang nasa 10 misa ang gagawin sa mismong araw ng Kapistahan sa Enero 15.

Inaasahan naman ang pagdagsa ng libu-libo katao mula sa ibat-ibang lugar habang ang halos lahat ng mangingisda ang aasahang uuwi bilang pagbibigay-pugay sa mapaghimalang imahe ng Sto. Niño.

Ang Sinulog Festival ay ginaganap taon-taon sa pangatlong linggo ng Enero.