BOMBO DAGUPAN — Agarang inaksyunan nina Director Sherylin Malonzo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng tanggapan ni Ruel Martin sa Jeddah, Saudi Arabia nang humingi ng tulong si Grace Villanueva kahapon dahil sa pagmamaltrato ng amo nito.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lawrence Valmonte, Bombo International News Correspondent sa Qatar, agarang nakipag ugnayan ang OWWA sa foreign recruitment agency ni Vellenueva.
Kasalukuyan naman ng nasa pangangalaga ng agency si Vellanueva.
Ayon naman kay Martin, susuriin pa mabuti si Vellanueva kung kailangan pang bigyan ito ng agarang pagpapagamot bago pauwiin sa bansa.
Sinigurado naman ng OWWA na makakatanggap ng Balik Pinas Hanapbuhay Financial Assistance si Vellanueva sa oras na makabalik sa Pilipinas.
Dagdag naman ni Valmonte, ayon sa kapatid ni Vellanueva, wala nang balak na makipagsapalaran uli sa ibang bansa dahil sa trauma na kaniyang dinanas.