Ikinalungkot ng mamamayan ng India ang naging sitwasyon ngayon ng kanilang kinikilalang “holiest river” na Ganges kung saan napuno na raw ng mga lumulutang na daan-daang mga bangkay na pinaniniwalaang namatay dahil sa COVID-19.
Pinasunog naman ng gobyerno ang mga natagpuang bangkay sa ilog kahit hindi pa nakukuha ang mga identity nito.
Ang India ay nakapagtala na ng mahigit 25 million cases at 275,000 deaths ngunit naniniwala ang mga eksperto na mas marami pa ang bilang ng mga namatay kumpara sa inilabas na official tally.
Marami ang naniniwala na ang mga bangkay na nakitang palutang-lutang sa ilog ay nagmula sa distrito ng Uttar Pradesh.
Napag-alaman na ang Ganges ay isa sa pinakamalaking ilog sa buong mundo at kinikilalang sagrado ng mga Hindus.
Sila ay naniniwala na kapag maliligo sila sa Ganges, malilinis an kanilang kasalanan.
Ginagamit din nila ang tubig nito para sa mga ritwal ng relihiyon. (with reports from Bombo Jane Buna)