Natanggap na ng Bureau of Customs Port of Cagayan de Oro ang 116 na kahon ng umanoy smuggled na sigarilyo matapos i turn-over ng Malabang Municipal Police Station sa kanilang tanggapan.
Ayon sa Report ng Malabang MPS, isang hindi matukoy na motorized pump boat ang naaktuhan nitong nagbababa ng kahon-kahon na sigarilyo sa barangay Tambara, Malabang , Lanao del Sur.
Matapos ang isinagawang verifikasyon ay narecover ang 116 na kahon ng smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P9.3 million pesos.
Kaagad na nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention o WSD si District Collector Alexandra Yap- Lumontad laban sa naturang item na lumalabag sa Republic Act 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act matapos rin na makatanggap ng rekomendasyon mula kay District Commander SP/ Captain na si Abdila Maulana Jr ng Enforcement Security Service.
Ayon naman kay Customs Commissioner Bienvenido , nakikipag coordinate na ang kanilang kawanihan sa mga partner agencies nito upang subaybayan ang mga aktibidad sa national borders at upang pahusayin ang ang enfroment operation.
Dagdag pa ni Bienvenido, hindi kunsintihin ng Bureau of Customs ang ganitong uri ng ilegal na aktibidad at siniguro nito ang pagpapataw ng kaukulang charges sa sinomang involved sa ganitong gawain.