-- Advertisements --

Umabot sa 73 points ang pinagsamang puntos nina Hornets forward Brandon Miller at point guard LaMello Ball.

Pinangunahan naman ni Moussa Diabate ang depensa ng Hornets at umagaw ito ng 16 points sa kabila ng iisang puntos na naipasok nito sa kabuuan ng laro.

Naging mahigpit ang pagbabantay ng Hornets kay Pistons rising star Cade Cunningham ngunit nagawa pa rin nitong kumamada ng 27 points at sampung assists, kasama ang pitong rebound.

Nag-ambag naman ng 26 points si Pistons forward Tobias Harris.

Bago pumasok sa overtime, hawak ng Pistons ang 2-pt lead, 109 – 107 ngunit naipasok ni Ball ang isang floater. Pagpasok ng OT, hindi na tinantanan ng Hornets ang opensa sa tulong ng magkakasunod na shot ni Miller, kasama na ang isang 3-pt shot, 35.2 secs. bago matapos OT, 118 – 115.

Muling nagpasok ng 3-pts si Miller bago matapos ng huling 30 secs ng OT at dinala ang kalamangan sa anim na puntos. Agad namang sumagot ang Pistons ng magkasunod na 2-pt shots ngunit kinulang pa rin sa huli.

Ang 38 points ni Miller ay ang kaniyang career-high score sa NBA. Bago matapos ang OT, tuluyan ding na-foul out si Ball kayat halos binalikat ni Miller ang opensa ng Charlotte.