BACOLOD CITY – Inulan ng mga kilalang personalidad ang programa ng inagurasyon sa pwesto ng mga nahalal na opisyal sa Bacolod City nitong Lunes.
Bagamat nanumpa na sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo, muling sumalang sa oath taking si Mayor Evelio Leonardia kasama si Senate Pres. Vicente Sotto III.
Naroon din ang ilang matataas na opisyal ng Senado na sina Majority leader Juan Miguel Zubiri at Minority leader Franklin Drilon.
Pati si Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon ay dumalo rin.
Kapwa pinangunahan ng tatlo ang panunumpa sa pwesto nina Vice Mayor El Cid Familiaran at lone district Rep. Greg Gasataya.
Habang para sa mga bagong konsehal ay si 1-Pacman Rep. Mikee Romero naman ang nag-inagurate.
Dumalo naman bilang bisita ang ilang foreign diplomats na sina Russian Ambassador Igor Khovaev, South Korean Ambassador Dong-man Han, at US Embassy Political Section – Internal Political Unit chief Joshua Morris.