Opisyal nang binuksan ng Department of Tourism sa pangunguna ni Secretary Christina Frasco ang kauna-unahang tourist rest area nitong Lunes,Hulyo 10, sa bayan ng Medellin, Cebu.
Dinaluhan din ang inagurasyon nina Cebu Gov. Gwen, mga board members, 36 na alkalde at iba’t ibang business groups.
Kabilang sa mga amenities nito ay ang tourist information center, lounge area, coffee shop, charging station, restrooms, at pasalubong center.
Bubuksan din ang tatlong karagdagang TRA sa Carmen gayundin sa Moalboal at Carcar City sa southern Cebu.
Kasabay ng opisyal na turnover ceremony ng TRA sa Medellin, inihayag ni Secretary Frasco na 15 pang TRA ang idadagdag bilang bahagi ng pagsisikap ng Department of Tourism sa pagsusulong ng industriya ng turismo sa bansa.
Samantala, buong puwersang nagpakita ng kanilang suporta ang mga opisyales na dumalo kay Secretary Frasco kasunod ng kontrobersya sa tourism campaign video.
Binigyang-diin din naman ni Frasco na layun pa ng “Love the Philippines” ay para muling ipakilala ang Pilipinas sa buong mundo.