Binawian na ng buhay ang dating executive assistant ni dating Makati Mayor Junjun Binay.
Sa kumpirmasyon ni Binay, pumanaw si Monaliza “Monettee” Bernardo, kagabi sa Makati Medical Center matapos na sumailalim sa surgery dahil sa maselang tama ng bala ng baril.
Inambus si Bernardo nitong nakalipas na Huwebes ng gabi sa Barangay Olympia, Makati City ng riding in tandem suspeks na kapwa naka-helmet.
Nagtamo ng tama mula sa kalibre .45 pistola ang biktima sa kanang kamay na tumagos sa kanyang tiyan.
Ayon sa dating alkalde, labis ang kanilang kalungkutan dahil malapit nilang kakila si Bernardo sa nakalipas na tatlong dekada.
Una nang sinabi ng nakababatang Binay na mabait na tao at walang kaaway si Bernardo na nadamay lamang daw sa laban niya sa politika.
“Kagabi pumanaw ang ating kaibigan, si Monette Bernardo. Monette succumbed last night to the gunshot wound she suffered when she was attacked by an unidentified assailant last Thursday. No words can describe this tragic loss. Monette was a kind, generous, and compassionate soul whose friendship I treasured and valued deeply,” ani Junjun sa kanyang Facebook post. “My family and I mourn her passing, and extend our love and prayers to her loved ones during this heartbreaking time. The sadness and pain we feel today is indescribable; but it is matched by our resolve to secure justice for Monette and her loved ones.”
Ang kanyang ama na si dating Vice President Jejomar Binay ay nag-alok na rin ng isang milyong pisong reward money sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon laban sa mga suspek.
Habang inatasan ni Makati Mayor Abby Binay ang Makati police sa agarang pagresolba sa naturang krimen.