-- Advertisements --
Gen Rudy Lacadin
Retired PNP Gen. Rudy Lacadin

Inamin ni retired PNP Gen. Rudy Lacadin na dati siyang tinawagan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde para pag-usapan ang Pampanga drug incident, kung saan inaakusahan ng drug recycling ang ilang pulis.

Ang mga ito ay pawang tauhan noon ni Albayalde sa pangunguna ni Maj. Rodney Baloyo.

Ayon kay Lacadin, nagulat siya nang sabihin ng dating Pampanga provincial director na nakatanggap ito sa nasabing insidente.

Pero hindi raw niya matiyak kung pabiro ito o seryosong pahayag.

“Actually sir konti lang naman napunta sa akin dyan,” wika umano ni Albayalde, base sa kwento ni Lacadin.

Agad namang dumipena si Albayalde sa nasabing statement.

Iginiit nito na kung totoong sinabi niya iyon, sana raw ay noon pa siya kinasuhan ni Lacadin.

Para sa PNP chief, isa na naman itong “kasinungalingan” para siya ay sirain.

Buwelta naman ni Lacadin, kung tutuusin magkaibigan sila ni Albayalde at walang dahilan para magtanim ito ng galit.

Sinabi naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kung may nagsisinungaling man sa mga pananalitang ito ay hindi raw ‘yon si Lacadin.

Ipinagitgitan pa ni Magalong na dati ring CIDG chief, sa kanilang mga kuwento kasama si PDEA chief Aaron Aquino ay naituturo raw palagi ang outgoing PNP chief sa isyu nang pagtatakip sa naturang mga ninja cops.

pnp chief oscar albayalde hearing