LEGAZPI CITY – Nagdesisyon si Daraga Mayor Carlwyn Baldo na hindi bomoto ngayong para sa 2019 midterm elections.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Legazpi mula kay Legazpi City Jail Warden Atty. Rodolfo Versoza, nagsumite ng waiver si Baldo dakong alas-9:00 kagabi.
Nakapaloob sa naturang waiver na personal na desisyon ang ginawa lalo na’t bilang isang Person Deprived of Liberty (PDL), national positions lamang ang maari nitong botohan.
Nangangahulugan na sa senatorial at party-list positions lamang at hindi sa mismong tinatakbuhang posisyon.
Nakatakdang sanang bomoto ang alkalde sa Binitayan Elementary School sa bayan ng Daraga.
Si Baldo ay nakadetine sa naturang jail facility na itinuturong mastermind sa pamamaslang kay Party-list Cong. Rodel Batocabe.
Kabilang ito sa tatlong tumatakbong alkalde sa naturang bayan.