Ipinagmamalaki ni Department of Transportation (DOTR) Secretary Art Tugade ang proyektong pinakaaantay-antay at sinimulan noong taong 2000 ay totoong mabubuo sa panahon ng administrasyong Duterte.
Pinangunahan ni Sec Tugade ang inauguration at inspeksiyon ng expanded Baclaran depot ng LRT-1 Cavite Extension Project kahapon, February 23,2022.
Siniguro ni Sec Tugade na ang pinaka-aantay na LRT-1 South Extension project ay magtuloy-tuloy hanggang sa makumpleto ito gayong ilan sa mga vital parts nito ay kanila ng pinasinayaan partikular ang Baclaran depot.
Pinasalamatan din ni Tugade ang tulong at kooperasyon ng Japanese government gaya ng Japan International Cooperation Agency (JICA), Shimizu Corporation, Light Rail Transit Authority (LRTA), at Light Rail Manila Corporation (LRMC).
Pinuri naman ni Japan Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa ang nasabing proyekto na nakumpleto sa kabila ng nararanasang pandemya.
Sinabi ni Koshikawa na ang nasabing proyekto ay magdudulot ng convenience sa mga commuter sa Metro Manila.
Nagpasalamat naman si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa DOTr hinggil sa nasabing proyekto, na magbibigay ginhawa sa mass transportation system ng bansa lalo at nasa pandemic pa rin ang bansa.
Ang completed project ay may dagdag na 11.7 hectares extension sa existing LRT-1 line depot kung saan walong istasyon ang madagdagan at dagdag na 120 na 4th generation Light Rail Vehicles.
Kapag nakumpleto na ang LRT-1 Cavite Extension project mas maiksi na ang travel sa 25 minutes at ang rail lines capacity nito ay tataas mula 500,000 to 800,000 passengers daily kung ito ay fully operational na.