-- Advertisements --
Bahagyang nahinto ang ginagawang ensayo para sa inauguration ni US president-elect Joe Biden matapos ang nakitang sunog sa katabing gusali ng Capitol Hill.
Dahil sa pangyayari ay pinalabas ang nasa loob ng Capitol Building.
Matapos ang pag-apula ng mga bombero sa sunog ay ipinagpatuloy na ang ginagawang ensayo.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nanggaling umano ang sunog sa homeless encampment.
Magugunitang nasa 20,000 na National Guards ang ipinakalat sa lugar para sa nasabing inauguration ni Biden.