Kinumpirma ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo na magsasagawa ang kanilang grupo ng rally bilang pagkontra sa mga impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
Ginawa ng naturang sekta ang pahayag sa kanilang programa sa television.
Ayon sa INC, ang rally na ito ay bilang pagpakita ng suporta sa naging opinyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kung saan sinabi nito na hindi siya pabor na ituloy ang impeachment laban kay Duterte.
Sinabi ng Pangulo na ang hakbang na ito ay wala namang maidudulot na maganda kayat mas maganda na huwag na lamang ituloy.
Wala rin aniya itong maidudulot na maganda sa mga mamamayang Pilipino.
Binigyang diin ng naturang sekta na sila ay para sa pagsusulong ng kapayapaan at kontra ito sa anumang uri ng kaguluhan.
Si Duterte ay nahaharap ngayon sa dalawang impeachment complaint na isininumite sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Kumpyansa naman ang ilang mambabatas ng Makabayanbloc sa Kamara na makukuha nila ang ang ⅓ vote para umusad ang reklamo.