-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatunayan ng Iglesia Ni Cristo (INC) members na kapayapaan ang kanilang isinusulong at hindi kaguluhan nang isinagawa nila ang national peace rally sa buong plaza divisoria ng Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos mahinahon umano na pinaikusapan ng INC members ang grupo ng Hakbang ng Maisug na kinilalang kontra sa liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nasa lugar na hindi na gagawa ng anumang hakbang na ikagugulo ng pagtitipon.

Nasaksihan kasi ni Police Regional Office 10 Director Brig Gen Jaysen De Guzman ang kung paano pinakiusapan ng INC members ang grupo at maging ang kilalang local artist/activist na si Nicanor Aca na hayagang komontra sa pagtitipon.

Sinabi ni De Guzman na mas nananaiug ang pagiging kalmado ng sitwasyon kaya Kahit isang magulo na eksena ay ‘zero record’ ang Cagayan de Oro City Police Office na naatasan magbigay seguridad sa INC gatherings.

Bagamat,umalma ang mga kapwa aktibista ni Aca dahil pinilit itong pinapapigil ng apat na pulis habang nag-solo performance para kontrahin ang rally ng INC.

Batay sa assessment ng PRO 10 at ibang government friendly forces ay matiwasay ang malaking pagtitipon ng INC hindi lang sa Cagayan de Oro,Misamis Oriental na dinaluhan ng halos 20,000 members subalit maging sa Lanao del Norte at Misamis Occidental na tumawid sa Zamboanga City para sa katulad na aktibidad.