-- Advertisements --

LA UNION – Bilang pagtalima sa pamahalaan ng bansang Italya laban sa coronavirus disease (COVID-19) ay gumawa na rin ng paraan ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) upang hindi matigil ang regular nilang pagsamba.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Rhodora Villegas, kasapi ng INC sa Rome, Italy, sinabi nito na tuloy pa rin ang kanilang pagsamba ngunit hindi sila na tutungo upang dumalo ng pagpupulong sa kapilya.

Naisip ng kanilang tagapangasiwa sa kapatiran na gawin na lamang sa pamamagitan ng online ang pagsamba at mananatili na lamang sa kanilang mga bahay.

Samantala, ayon kay Villegas, dahil sa paghihigpit ng pamahalaan ng Italya ay papayagan lamang ang mga naninirahan doon na lumabas ng bahay kung sila ay mamamalengke, may emergency at may pahintulot na papasok sa kanilang trabaho.