-- Advertisements --
Naglibot ang mga kinatawan ng Office of Transportation and Security sa pasilidad ng Incheon Airport sa South Korea.
Ito ay upang alamin ang mga moderno at makabagong pamamaraan pagdating sa operasyon ng cargo sa kanilang bansa.
Pinangunahan mismo ni OTS Undersecretary Crizaldo O. Nieves ang onsite inspection sa naturang paliparan na isa sa pinakamagandang airport sa buong mundo.
Ayon kay Nieves, nais nilang gayahin ang cargo operation nito maging ang kanilang airline operation.
Nilalayon rin ng pagbisitang ito na mas lalong mapagbuti ang kahandaan ng Pilipinas pagdating sa transport security.