May mga nakita ang Department of Health (DOH) ng pagtaas ng bilang ng mga “incidental” COVID-19 patients o mga nagkataon lamang na mga pasyente na dinapuan ng nasabing virus.
Sinabi ni DOH Undersecretary spokesperson Maria Rosario Vergeire na ang sanhi nito ay dahil sa mataas na vaccination rate sa National Capital Region.
Dagdag pa nito na dahil sa nasabing mataas na vaccination rate ay mayroon na lamang dalawang uri ng COVID-19 na pasyente ang dinadala sa pagamutan, una ay dahil sa COVID-19 like samples gaya ng pneumonia at ang pangalawa ay pasyente na mayroong incidentally found positive ng SARS-CoV-2.
Ilang mga medical conditions ng ay ang appendicitis, acute coronary syndrome, intracranial hemorrhage at ang trauma mula sa pagkakaaksidente.