-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Malaki ang mawawalang income sa pamahalaan kasunod sa ipinasarang gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay John Martin Felimon Alipao, Financial Management Officer ng PCSO-Aklan, bilyong piso ang kinikita nito mula sa operasyon ng lotto, keno, Small Town Lottery (STL), tradisyunal na sweepstakes, peryahan ng bayan at iba pa.

Sa kabila nito, tiniyak ni Alipao na nanatiling normal ang kanilang operasyon at patuloy ang pagtanggap ng mga nangangailangan ng tulong sa ilalim ng kanilang medical assistance program.

Hihintayin umano nila ang “go signal” mula sa main office kung hanggang kailan ang suspension ng gaming activities ng PCSO.

Samantala, maaari pa aniyang makukuha ng mga nanalo sa lotto ang kanilang mga panalo.

Pinayuhan din niya ang mga tumaya na i-hold muna ang kanilang ticket dahil hanggang isang taon pa ang validation nito.