-- Advertisements --

Nangako ang incoming chief ng Bureau of Internal Reveneu (BIR) commissioner Lilia Guillermo na susunod ang ahensiya sa desisyon ng korte hinggil sa estate tax issue ng pamilya Marcos at susundin ang mandato ng ahenisya na pagkolekta ng buwis.

Subalit binigyang diin ni Guillermo na kaniya munang sisiyasatin ang mga dokumento sa tax liabilities ng pamilya Marcos upang magkaroon ng tamang data at impormasyon.

Aniya, hindi pa nito nakikita ang mga dokumento subalit kung ito aniya ay pinal at executory, gagawin nila ang mandato ng ahensiya na kolektahin ang tax estate ng mga Marcos.

Makakatulong aniya ang makokolekta kung sakali na pera mula sa estate tax para sa koleksyon ng BIR.

Inaasahang maipapasakamay kay Guillermo ang mga dokumento sa Lunes sa susunod na linggo isang araw para bago ang turnover of responsibilities sa outgoing BIR officials.

Magugunita na noong 1997, ipinag-utos ng Korte Suprema sa Marcos heirs na bayaran ang P23 billion sa estate tax.

Naging pinal at executory ang naturang kautusan noong March 9, 1999.

Ang tinatayang kabuuang halaga ay lomobo na sa P203 billion dahil sa penalties at surcharges.

Sa ilalim ng kasalukuyang Duterte administration, nauna ng ibinulgar ng BIR na nagpadala ito ng written demand sa pamilya Marcos noong Disyembre ng nakalipas na taon para bayaran ang kanilang estate tax labilities na nagkakahalaga ng P203 billion.