-- Advertisements --

Hinimok ng grupo ng transportasyon na Manibela si incoming Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na suspendihin ang jeepney modernization program.

Ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena, dapat na unahin ng incoming Sec. ang pagsuspendi ng pagpapatupad ng programa at buhayin ang mga prangkisa ng unconsolidated jeepney operators.

Aniya, dapat matalakay at maupuan ang mga guidelines gaya ng financing at modelo ng yunit na kukuhanin at ipinunto na dapat manaig ang totoong jeepney sa bansa at hindi ang mga inangkat na minibus galing sa China.

Sinabi din ng Valbuena na ang karanasan ng ilang transport cooperatives at corporations ay patunay na hindi dapat magpatuloy ang programa sa kung paano ito ipinapatupad ngayon.

Saad pa ni Valbuena na marami ang naluging kooperatiba at marami ang hindi tumakbong yunits na madali aniyang masira.

Umaasa naman ang ilang commuter group na makakatulong ang incoming Secretary sa pagresolba sa krisis sa transportasyon sa Pilipinas.