Bukas ang susunod na Justice Secretary sa ilalim ng papasok na administrayon na ireview ang drug cases na isinampa laban kay Senator Leila de Lima.
Ito ay kasunod ng recantations ng tatlong indibidwal na may kinalaman sa kaso na ayon kay Remulla ay maituturing na cause of concern at isang red flag na mayroong mali.
Maaalala na tatlong indibidwal ang bumaliktad sa kanilang alegasyon laban kay De lima na nakulong ng mahigit 5 taon dahil sa drug trading charges.
Ito ay sina self-confessed drug lord Kerwin Espinosa, former Bureau of Corrections Rafael Ragos at ang co-accused ni de Lima at dating aide na si Ronnie Dayan.
Maliban sa pag-review ng kaso ni Sen De Lima, nais din ni remulla na maipatuoad ang national criminal justice information system na maging central database para sa pending cases o complaints sa National Bureau of Investigation o Bureau of Immigration at ng korte.