-- Advertisements --

Inamin ni incoming Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na hindi pabor na irekomenda na tanggalin na ang deployment ban sa mga newly hired domestic helpers patungo ng Saudi Arabia.

Paliwanag ni Ople kailangan munang mag-usap ang gobyerno ng Pilipinas at Saudi upang linawin ang mga polisiya para mabigyang proteksiyon ang mga OFW.

Aniya, bagamat kinikilala ng Pilipinas ang matagal ng pagkakaibigan sa Saudi Arabia, dapat magkalinawan sa mga solusyon.

Siniguro na lamang nito na mangunguna sila sa pagsasagawa ng bilateral talks.

Una nito iniutos ng Department of Labor and Employment ang ban sa deployment ng newly hired household service workers noong November 2021 para bigyang-daan ang pagbalangkas ng technical working group ng bagong patakaran sa deployment ng mga OFW.

Binatikos din noon ng DOLE ang Saudi government sa kabiguan na mabayaran ang benepisyo at sweldo ng 10,000 mga OFWs na aabot sa P4 billion.