Target ni incoming Migrant Workers Secretary Susan “toots” Ople na i-review ang hiring system sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ipinunto niya na mayroong problema sa sistema kaugnay sa pag-hire ng mga overseas Filipino workers sa kamay ng “bad employers”.
Nais aniya maisaayos ang lahat ng sistema kung kayat kailangan na mabusisi ang hiring system sa mga OFWs.
Ayon din kay Ople, ang kaniyang magiging unang agenda sa oras na pormal ng umupo sa kaniyang opisina ang pagsasagawa ng konsultasyon kasama ang mga stakeholders partikular na ang mga OFW para sa paglikha ng common vision para sa departamento.
Nauna rito, nitong araw ng Lunes , inihayag ni Atty. Vic Rodriguez ang chief-of-staff ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na tinaggap na ni Ople ang alok na pamunuan ang bagong tatag na Department of Migrant Workers sa ilalim ng papasok na administrasyon.
Maaalala din na nagsilbi din ang ama ni Ople na si late Senator Blas Ople bilang dating Labor Secretary sa ilalim ng administrasyon ng namayapang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.