Iginiit ni incoming National Security Adviser Clarita Carlos na dapat hayaan ang International Criminal Court (ICC) prosecutor’s office na magsagawa ng imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng war on drug campaign ng Duterte administration.
Sa katunayan ayon kay Carlos, iniimbitaham ang mga ito na magpunta sa bansa at hayaan ang mga ito na lumikom ng mga data at mabigay ng kanilang konklusyon.
Maaalala noong Setyembre noong nakalipas na taon, naglunsad ang ICC ng imbestigasyon sa request ng dating prosecutor Fatou Bensouda para imbestigahan ang krimen sa war on drugs sa Pilipinas sa pagitan ng November 1, 2011 at March 16, 2019.
Subalit makalipas ang dalawang buwan noong Nobiyembre, sinuspendi ng ICC ang imbestigasyon sa naturang request ng gobyerno dahil sa nagsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Department of Justice sa ilang mga kaso.
Nauna na ring sinabi ni Pangulong Duterte na mahihirapan ang ICC na ilabas ang katotoohanan dahil nanindigan itong hindi makikipagcooperate ang gobyerno ng Pilipinjas sa imbestigasyon matapos ang withdrawal ng bansa mula sa Rome Statute, ang treaty na nagtatag sa ICC noong 2019.
Samanatala, sinabi din ni Carlos na tututukan ni incoming National Security Adviser Clarita Carlos ang paggalang at pagprotekta sa karapatang pantao ng bawat indibidwal sa oras na maupo na ito sa pwesto.
Paliwanag ni Carlos na una ang proteksiyon at seguridad ng bawat indibidwal. Pero hindi aniya nangangahulugan na hindi na pakikialaman ang external factors .
-- Advertisements --