-- Advertisements --

Umaasa si incoming Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director, CSupt. Aaron Aquino na muling pangungunahan ng ahensiya ang kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Ayon kay Aquino na sana darating ang panahon na ang PDEA na ang mag-ooperate sa mga drug operations at hindi na mga pulis.

Giit ng heneral ito ay para matututukan ng Philippine National Police (PNP) sa iba pang mga krimen gaya ng theft and robbery, carnapping at iba pa.

Si Aquino ang nakatakdang hahalili sa pwesto ni incumbent PDEA chief Director General Isidro Lapeña.

Naniniwala si Aquino na ang mga kontobersiyang kinasasangkutan ng mga pulis ngayon sa kanilang anti-drug campaign ay mababawasan kung ang operasyon laban dito ay pamumunuan mismo ng anti-drug agency.

Pahayag ni Aquino na sa ngayon talagang may problema ang PNP dahil maraming mga pulis ang gumagawa ng mga iligal na aktibidad.

Aminado din si Aquino na mahirap para sa ahensiya na pangunahan ang anti-narcotics campaign dahil ang manpower ngayon ng PDEA ay nasa 2,000 labang kumpara sa PNP na nasa 120,000 personnel.

Pagtiyak nito na kapag lumaki ang kanilang pwersa masa madali nilang magampanan ang kanilang trabaho.