-- Advertisements --

CEBU – Malugod na tinatanggap ng Cebu Provincial Government, Department of Tourism in Central Visayas at mga stakeholder ng turismo si incoming Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco sa ginanap na Cebu Tourism Night sa Capitol Social Hall Martes, Hunyo 21, 2022.

Si Frasco, kasama ang kanyang asawang si 5th District Representative Duke Frasco, ay tinanggap ng kanyang inang si Cebu Governor Gwendolyn Garcia, at mga miyembro ng Provincial Board.

Sa nasabing aktibidad ay nagpasalamat si incoming D.O.T secretary Liloan outgoing Mayor Cristina Garcia Frasco sa lahat ng tourism stakeholders sa Cebu na dumalo sa turism night na inilunsad sa kapitolyokagabi.

Inaalala nito ang simula ng serbisyo publiko noong siya ay nahalal na alkalde ng Liloan City noong 2016 at hanggang sa umabot sa puntong italaga bilang Department of Tourism Secretary.

Binigyang-diin din ni Mayor Frasco na sa kanyang anim na taon bilang local chief executive ay natutunan niya ang mga alituntunin at pamamaraan para sa pagtataguyod ng turismo at pagprotekta sa kapaligiran.

Binigyang-diin din ni Frasco ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa publiko at pribadong sektor upang maitatag ang napapanatiling pamamahala sa turismo.

Binigyang linaw rin nito na sisikapin niyang tiyakin na sa kanyang kapasidad, mas uunlad ang turismo hindi lamang sa Cebu kung hindi ang buong bansa.

Tumatanggap rin ng plaque of appreciation si Frasco mula kay DOT-Central Visayas Director Shalimar Hofer Tamano.

Sa nasabing aktibidad ang dumalo rin sina DOT Central Visayas Director Shahlimar Hofer Tamano, Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan at kanyang asawa, Lone District Representative-elect Cindi King-Chan, Cebu City South District Representative-elect Edu Rama, Senator-elect JV Ejercito, at iba pang mga stakeholder.

Nanguna rin si Monsignor Ruben Labajo, Vicar General ng Archdiocese of Cebu sa send-off at blessing ng incoming Department of Tourism Frasco.