CAGAYAN DE ORO CITY – Managot dapat ang ilang tiwali at incompetent officials ng Philhealth kaysa mga miyembro nila ang maghihirap maka-avail ng medical services kung magkasakit sa susunod na taon.
Ito ang banat ng dating alyado ni Pres Bongbong Marcos na si former Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez kung bakit nagkasundo ang mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso na ipataw ang Philhealth defunding dahil mayroong kalahating bilyong piso pa na savings.
Sinabi ni Rodriguez na kung hindi pabaya na klase na pangulo si Marcos sa kanyang nasasakupan ay maiwasan sana na papalag ang Philhealth members dahil sa desisyon na zero budget ng bicameral committee members noong nitong lingggo.
Magugunitang tinuligsa ng husto ng mga miyembro ang desisyong ito ng mga mambabatas dahil mas kinampihan pa ang P26-B inserted budget ng Kamara na AKAP program ng DSWD kay sa isyung pang-kalusugan ng mga mamahayan ng bansa.