KORONADAL CITY – Bibigyan umano ng pagkakataon ng mga opisyal ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang mga elected officials ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na tapusin ang kanilang mga trabaho hanggang sa buwan ng Hunyo.
Ito’y matapos pormal nang binuo ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ipinalit sa dating Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay MILF Vice Chairman for Political Affairs at defunct Bangsamoro Transition Commission chairman Ghadzali Jaafar, maaari umanong ma-absorb o kunin ang mga ito kahit tapos na ang kanilang mga termino kapag kwalipikado sila sa mga itinakdang mga requirements na maging empleyado o opisyal sa ilalim ng BARMM.
Ngunit binigyang punto nito na nakadepende ito sa kanilang kwalipikasyon kung tatanggapin ba sila o hindi.