CEBU – Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA-7) ang incumbent councilor ng Brgy. Giligaon, Siaton, Negros Oriental kaugnay sa ginawang implementation ng search warrant laban sa suspek.
Kasama ng PDEA-7 sa operasyon ang mga personahe ng Naval Forces Central at Siaton Municipal Police Station. Kinilala ang konsehal na si Ranilo Aurea Merto, 42 anyos, at residente sa Sitio Looc Brgy. Giligaon.
Nasakote mula nito ang 11 pakete ng pinaniwalaang shabu na nasa sa limang gramo at nagkakahalaga ng P34,000 kabilang na ang mga drug paraphernalia.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 at 12 ng Article II RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang opisyal. Patuloy naman na iniimbestigahan ng otoridad ang pagkakasangkot ni Merto sa naturang kalakaran.