CENTRAL MINDANAO-Alinsunod sa Republic Act (RA) 11550, si Maguindanao Vice Governor Ainee Sinsuat ang siyang magiging kauna-unahang gobernadora ng Maguindanao del Norte.
Habang si Incumbent Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang mamumuno sa Maguindanao del Sur.
Magkakaroon rin ng appointive positions sa dalawang probinsya sa lood ng 60 araw kung salaking uupo na sa pwesto ang mga Governors,Vice Governors at majority ng provincial board members.
Matatandaan na panalo ang Yes at talo ang No sa katatapos na plebesito sa paghahati sa dalawang lalawigan ng Maguindanao.
Batay sa official canvassing result, 706,558 voters o 99.27% ang nagsabi ng “yes” sa tanong kung papayag ba silang hatiin ang lalawigan ng Maguindanao sa dalawang hiwalay na probinsya batay sa nakasaad sa Republic Act No. 11550.
Kabuuang 5,209 voters – o katumbas ng 0.73% – ang nagsabi naman ng “no.”
Ang voter turnout ay 86.93%.
Ang Maguindanao del Norte ay kinabibilangan ng mga bayan ng Datu Odin Sinsuat, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Parang, Buldon, Barira, Matanog, Upi, Northern Kabuntalan, Mother Kabuntalan, Talitay at Datu Blah Sinsuat.
Samantala ang mga bayan ng South Upi, Datu Anggal Midtimbang, Talayan, Guindulungan, Datu Saudi Ampatuan, Datu Salibo, Datu Piang, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Unsay, Shariff Aguak, Mamasapano, Rajah Buayan, Sultan Sabarongis, Shariff Saidona Mustapha, Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Buluan, Mangudadatu,Pandag, Datu Paglas, Paglat, Pagalungan, General Salipada K. Pindatun, at Datu Montawal ay tatawagin na Maguindanao del Sur.
Una ng sinabi ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na ang paghahati ng Maguindanao sa dalawang lalawigan ay nangangahulugang mas mapabilis na ang pamamahagi ng basic social services sa mga mamamayan dahil magkakaroon na ng dalawang provincial government.