-- Advertisements --

VIGAN CITY – Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang motibo sa pagkamatay ng isang incumbent Sangguniang Bayan member sa Sta. Maria, Ilocos Sur.

Ito’y kasunod ng mga lumutang na ulat na hindi pinatay, kundi inatake sa puso ang nasawing si Adriano Villanueva, 70, habang nasa loob ng isang hotel sa Vigan City.

Nauna ng sinabi ng pamilya ni Villanueva na sa loob ng kotse inatake sa puso ang opisyal.

Bago naging miyembro ng Sangguniang Bayan ay dating nanungkulan bilang pulis at bise alkalde ang namatay na opisyal.