-- Advertisements --

Maraming residente pa rin umano mula sa iba’t-ibang lungsod sa Metro Manila ang nagpaabot ng kanilang interes na iboto mula ang mga dating alkalde ng kanilang lugar ngayon darating halalan ayon sa isang survey.

Lumabas sa pag-aaral ng RP-Mission and Development Foundation Inc., na malaki pa rin ang porsyento ng incumbent mayors na pinagkakatiwalaan ng kanilang mga nasasakupan.

Sa Quezon City, na siyang pinaka-malaking lungsod sa National Capital Region, nasa 60-porsyento umano ng mga nakarita rito ang nagsabi na iboboto nila si Vice Mayor Joy Belmonte laban sa mga katunggali nitong si Rep. Vincent Crisologo at iba pa.

Samantala, sa Makati City naman kung saan mainit ang bakbakan ng magkapatid na Binay, nasa 64-percent naman ng mga residente ang nagpaabot ng tiwala sa serbisyo ng kasalukuang mayor na si Abby kumpara sa kapatid nitong dati ring alkalde na si Junjunna may 34-percent lang.

Matataas din ang rating ng ilan pang re-electionists na sina:

 *Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, 93-percent

 *Las Pinas City Mayor Imelda Aguilar, 94-percent

 *Malabon City Mayor Lenlen Oreta, 65-percent

 *Mandaluyong City Mayor Carmelita Abalos, 97-percent

 *Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, 93-percent

 *Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, 57-percent

 *Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, 62-percent

 *Pasig City Mayor Bobby Eusebio, 66-percent

 *Pateros Mayor Miguel Ponce III, 74-percent

 *Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, 95-percent

Iba naman ang naging resulta para sa Lungsod ng Maynila kung saan mas umangat ang pangalan ni Vice Mayor Isko Moreno laban sa tumatakbo muling si Mayor Joseph Estrada.

Pareho rin ang resulta sa San Juan City kung saan mas mataas ang rating ni dating Vice Mayor Francis Zamora sa 53-percent kontra sa 47-percent ni incumbent Vice Mayor Janella Estrada.

Sa Taguig City naman, namamayagpag pa rin ang mga Cayetano dahil sa 67-percent rating ng dating kongresista nito na si Lino.

Habang epektibo ang pagbaba nila Navotas Rep. Toby Tiangco at Pasay Rep. Imelda Calixto Rubiano sa Kamara dahil sila rin ang nangunguna sa kani-kanilang mga lugar.