-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naiproklama na sa kanyang huling termino bilang alkalde ng lungsod ng Kidapawan si incumbent mayor Joseph Evangelista.

Ito matapos na talunin ni Evangelista ang kanyang mga katunggali na sina incumbent vice mayor Jun Piñol, Hilario Meñosa at Junas Aznar.

Habang naiproklama na rin ng City Board of Canvassers ang kapartido ni Evangelista na si incumbent councilor Jiv-jiv Bombeo na tumakbong Bise-Alkalde.

Tinalo ni Bombeo ang mga katunggali nito na sina incumbent councilor Francis Buboy Palmones at incumbent board member Noel Baynosa sa botong mahigit 29 na libo.

Kasama sa mga naiproklamang mga City Councilor sa syudad ng Kidapawan sina Melvin Lamata , Maritess Malaluan, Goyong Lonzaga,Ruby Padilla Sison,Carlo Agamon,Aying Pagal,Pipoy Dizon,Lauron Taynan Jr,Narry Amador at Peter Salac

Ang ilang mga nanalo at natalong kandidato ay nag-paabot na rin ng kanilang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang kandidatura kasama ang Mamamahayag na si Malu Manar.