DAVAO CITY – Mabuti umanong huwag nang itutuloy ni Vice President Leni Robredo ang kanyang “pangarap” na maging pangulo ng bansa.
Ito ang sinabi ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio matapos na kinuwestiyon nito ang kanyang integredad at katapatan.
Ayon kay Mayor Inday, hindi na kailangan pang magkomento ni Robredo tungkol sa integredad at katapatan dahil matagal na rin umanong kuwestiyonable ang sa pangalawang pangulo.
Hindi umano matatawag na “Fake Vice President” si Robredo kung walang dahilan.
Pinipilit lamang umanong ginagaya ng ikalawang pangulo ang asawa nitong si dating Interior Sec. Jesse Robredo.
Una rito, partikular na pinuna ng kampo ni Robredo ang tila pagtangkilik umano ni Duterte-Carpio sa “fake news” dahil sa mga akusasyon nito sa pangalawang pangulo na wala raw sapat na basehan.
Pinayuhan naman ng Liberal Party si Duterte-Carpio na himukin ang kanyang mga kaalyado na magsalita tungkol sa mga issue ng bansa imbis na magbato ng akusasyon.