-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Aalamin ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte kung ano ang legal basis ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa balak nitong suspendihen ang writ of habeas corpus.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, inamin ni Inday Sara na walang kapangyarihan ang kanyang ama sa pagsuspindi kung pagbabatayan ang batas na umiiral sa bansa.

Magagawa lamang umano ng pangulo ang pagsuspindi sa pamamagitan ng Kogreso.

Una nang nagbabala si Duterte na magdedeklara ng revolutionary war at ipag-utos ang pag aresto sa mga taong gusto niyang ipahuli sa pamamagitan ng pag suspindi sa writ of habeas corpus.