-- Advertisements --

Tuloy pa rin ang ilang aktibidad ng ukraine sa kanilang anibersaryo ng independence day bukas araw ng miyerkules.

Gayunman sa panayam ng Bombo Radyo kay Denys Mykhailiuk, Charge d’affaires of Ukraine in the Philippines na nakabasi sa malaysia, sinabi nito na wala munang public events dahil sa patuloy na giyera doon sa kanilang bansa at baka samantalahin ito sa pag-atake ng Russia.

Maging si Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ay nagbabala na baka gumawa lalo ng karahasan ang russia kasabay ng kanilang 31st independence anniversary tulad na lamang ng rocket fire.

Ayon kay Mykhailuk, maaaring isagawa ang kanilang paggunita sa pamamagitan ng virtual at wala na ang nakagawiang engrandeng parada.

AV….yan si denys mykhailiuk, charge d’affaires of ukraine in the philippines na nakabasi sa malaysia sa panayam ng bombo radyo.

Ang Agosto 24 ay makasaysayan dahil ang ukraine parliament noon ay nagdeklara ng paghihiwalay sa Soviet Union noong taong 1991.
Bukas din ang eksaktong araw bilang anim na buwan mula ng magsimula ang giyera.