CEBU – Isinagawa sa iba’t-ibang local government unit ng Cebu ang paggunita ng ika-121 taong Araw ng Kasarinlan o Philippine Independence Day.
Naganap ang pagdiriwang sa partikular sa Mactan Liberty Shrine kung saan nakatayo ang estatwa ni Lapu-Lapu, ang kauna-unahang bayaning Pilipino na nakipagdigma laban sa mananakop na si Ferdinand Magellan sa Isla ng Mactan.
Naging panauhing pandangal sa nasabing selebrasyon ang kalihim ng Departament of Education (DepEd) na si Secretary Leonor Briones.
Sa talumpati ni Secretary Briones, ginunita nito kung papano ipinaglaban ni Datu Lapu-Lapu ang Mactan Island sa pananakop ng mga Espanyol.
Aniya, hindi maaaring makalimutan ng mga Sugbuanon ang Bisaya na mga bayani.
Pinaalalahan din ng kalihim ng DepEd ang mga guro na palaging ipapaalala sa mga estudyante ang sakripisyo na inialay ng ating mga bayani para sa ating bansa.